Sekyu binaril todas

TODAS ang isang security guard ng barilin ng nagwawalang suspek sa harap ng saklaan Linggo ng gabi  Nov. 25 sa  Villa Maria St., Bgy. 3  Sangandaan Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Medical Center si Chester Enopia y Denco, 36, ng  61 Villa Maria St., Sangandaan ng lungsod sanhi ng tinamong tama ng mga bala sa tagiliran
mula sa improvice shotgun.

Arestado at nahaharap sa patong patong na kaso ang suspek na si Elizalde Valibig y Gutierrez, binata, waiter, ng 150 Lakas ng Mahirap St., Sangandaan, Caloocan.

Ayon sa ulat, dakong alas alas 10:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa harap ng saklaan sa Villa Maria St., sa nasabing barangay.

Nabatid, kasagsagan ng larong sakla ng sa hindi malamang kadahilanan nakaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang grupo na kinabibilangan ng suspek.

Agad umuwi ng bahay si Valigbig at pagbalik ay may dalang sumpak. Tinangka ng biktima na awatin ang nagwawalang suspek subalit siya ang pinaputukan sa tagiliran.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply