Sekyu lasog sa tren sa Maynila

crime3

(UPDATED) DEDBOL ang isang security guard makaraang masagasaan ng tren sa Pandacan, Maynila, ngayong umaga.

Ayon sa pulisya, nakilala ang biktima na si Michael Antonio Gabina.

Nabatid na papatawid umano ang biktima sa riles ng tren sa may Beata, Pandacan upang bumili nang pagkain ganap na alas-10:00 ng umaga.

Napansin nitong may paparating na tren mula sa southbound kaya huminto ito ngunit isa pang tren na mula naman sa northbound ang paparating at hindi na ito nakaiwas pa.

Dahil dito, nahagip ang biktima at idineklarang dead on the spot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply