Sekyu nabiktima ng agaw-armas

NATANGAY ang shotgun ng isang guwardiya ng hindi pa kilalang lalaki matapos makapasok ang suspek sa binabantayan gusali sa Caloocan City kaninang madaling araw, Nobyembre 2.

Sa pahayag ng guwardiyang si Dherick Jun Sales ng Elite Force Security Agency, dakong alas-3:20 ng madaling araw, naka-poste siya sa Main Entrance sa Howard Town Condominium sa 6th Avenue ng lungsod nang sumulpot ang suspek at agawin ang shotgun.

Itinutok ng suspek sa guwardiya ang shotgun sabay sabing huwag susunod at puputukan na naging dahilan upang makapuga ang suspek.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply