Sekyu ng convenience store, patay sa holdap

PATAY ang security guard ng 7-Eleven convenience store matapos pagbabarilin ng dalawang holdaper sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Giatao, 31 anyos, ng Pichels Security Agency nakatalaga sa 7-11 store ng 12 Orion St., Dela Costa Homes, Novaliches, QC.

Si Giatao ay nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay SPO2 Roldan Dapat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong 5:00 ng madaling araw sa 7- 11 convenience Store sa kanto ng Scout Reyes at Roces Avenue, QC.

Sinabi sa ulat na pumasok ang dalawang holdaper sa naturang convenience store na naka sombrero, naka jacket at pilit na inagaw ang baril ng guwardiyang si Giatao saka binaril ang huli.

Agad na dumiretso sa kaha ng tindahan ang mga suspek subalit hindi nabuksan ang kaha kaya walang natangay na pera ang mga suspek .

Matapos ang insidente tumakas ang mga suspek subalit hindi mabatid kung anong gate away vehicle ang ginamit ng mga ito sa kanilang pagtakas.

About accounting

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>