Sekyung nawawala, bangkay na nang matagpuan

bangkay-2

NAAGNAS na bangkay na nang matagpuan ng awtoridad ang isang security guard na iniulat na may tatlong linggo nang nawawala sa Calamba City, Laguna.

Narekober ang bangkay ng biktima na si Joren Catempo, 30-anyos, na nakalibing sa kakayuhan sa Barangay Makiling.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tip mula sa kanilang confidential agent na siyang nagturo sa lokasyon na pinaglibingan ng bangkay ng biktima.

“Yesterday, we received information na yung dinukot noong November 7, andito raw binaon sa lugar na ito. Galing ang info sa ating confidential agent,” pahayag ni Senior Superintendent Fausto Manzanilla, officer-in-charge ng Laguna Police Provincial Office.

Sinisilip na ngayon ng mga police investigator ang posibilidad na ang pagpatay kay Catempo ay may kaugnayan sa pagbabantay nito sa isang pribadong lote sa nasabing barangay.

“Nagkaroon ng demolition sa property na isa siya sa nagbabantay. So siya ang nagbabantay, siya ang nagsusumbong. Pinagdiskitahan siya,” pahayag ni Manzanilla.

Umapela naman ang pamilya ni Catempo sa mga suspek na lumantad at sumuko at harapin ang kaukulang kaso. Nabatid sa mga awtoridad na bread winner ng pamilya si Catempo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply