Selosong arsonist, sinunog ang sarili sa kulungan

crime11

SANHI  ng matinding selos kaya nagawa ng isang detenidong “arsonist” na sunugin ang sarili habang nasa loob ng selda ng Quezon City Fire Department kamakailan.

Ginagamot pa  sa East Avenue Medical Center ang biktima na kinilalang si Rogelio Cortez , 37, ng 25 Cotabato St., Pael compound, Brgy. Culiat, Quezon City sanhi ng 3rd degree burns sa kanyang likuran.

Batay sa naantalang ulat na isinumite ni Fire C/ Insp. Alma Abacahin, hepe ng Investigation and Intelligence Section kay F/ Sr. Supt. Bobby Baruelo, Fire Marshall ng  Quezon City Fire Department, naunang tinangkang sunugin ni Cortez ang kanilang bahay sa nasabing lugar noong Nov. 6, 2012 bandang alas 7:00 ng gabi matapos silang magtalo ng kanyang kinakasamang si Nora Galler.

Dahil dito, inaresto ng mga pulis si Cortez bago itinurn over sa Agham Fire Station at saka doon muna ikinulong.

Anim na taong nakulong si Cortez dahil sa kasong iligal na droga.

Dakong alas 7:00 ng gabi noong Miyerkules nang  sunugin  ng biktima  ang kanyang sarili  sa loob ng selda .

Kinasuhan na sa piskalya  si Cortez ng arson habang nakaratay pa sa nasabing pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply