Selosong kelot, nagbigti sa puno ng santol

crime6

PATAY ang isang lalaki matapos magbigti sa puno ng santol makaraan paghinalaan na may ibang lalaki ang kinakasama sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw, Nobyembre 11.

Patay na nang makitang nakabigti sa puno ng santol si Lorenzo Hinayon, 28, ng M. Gregorio st., Canumay West ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang makitang nakabigti ng nylon cord sa puno ng santol ang biktima sa bakanteng lote sa nasabing lugar ng kapitbahay na si Editha Aranes.

Nabatid na bago ang pagbibigti ay nakatalo ng biktima ang ka-live-in na si Nenita Pimentel matapos maghinala na may ibang lalaki ang huli.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply