Senglot nahulog sa gusali sa Tondo, lasog

BASAG ang bungo at nalasog ang katawan ng 45-anyos na pedicab driver makaraang mahulog sa inupuuan nitong sementadong harang sa isang gusali sa Permanent Housing building sa Brgy. 128 Zone 10 sa Balut Tondo, Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Danilo Oquiana, may asawa; sidecar boy ng Parola Compound Tondo, habang isasailalim sa interogasyon ang kanyang kainuman upang mawala ang hinalang may foul play sa insidente.

Sa ulat, alas 2:20 ng hapon kahapon nang maganap ang insidente sa Building 25 Unit 403 sa Permanent Housing sa nasabing lugar.

Bago ang nasabing insidente, nagtungo si Oquiana sa kanyang kapatid na si Rudy sa naturang lugar at ilan sa mga tambay ang kanyang nakainuman.

Sinasabing lasing na ang biktima nang sumampa sa andamyo ng gusali at saka umupo, subalit nawalan  ng panimbang at nagtuloy-tuloy na bumulusok sa ibaba, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply