Senior NBP officials inilagay sa floating status

INILAGAY na sa floating status ang lahat ng senior officials ng New Bilibid Prisons (NBP) makaraang sibakin sa puwesto matapos ang pagsabog ng granada sa maximum compound noong Biyernes na ikinasugat ng anim na preso.

Nasa floating status si NBP Superintendent Ramon Reyes at mga superintendent ng maximum security compound, medium security compound at supervisor ng minimum security.

Nasa floating status na rin ang lahat ng guwardiya  ng maximum security compound ng NBP.

Ayon naman kay Justice Secretary Leila De Lima, may 100 bagong guwardiya na naka-pending para mapirmahan sa kanyang tanggapan, ang nakatakdang ipalit sa mga nasibak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply