Serye ni Juday postponed muna

judy-ann-santos

PANALO na naman ang MasterChef Pinoy Edition ni Judy Ann Santos na napapanood every morning sa ABS-CBN. Isang milyong piso ang mapapanalunan na tatanghaling winner sa reality cooking show na ‘to. May background story rin na ipapakita sa bawat contestant na chef kaya malateleserye rin ang dating nito.

Postponed muna ang sariling teleserye ni Juday habang ginagawa niya muna ang MasterChef. Sa January of next year na sila magre-resume sa taping nito.

Samantala, ayaw nang pag-usapan pa ni Juday ang pagbabalik-team-up nila ni Piolo Pascual sa pelikula. Huwag na raw ipilit ito. Kung matutuloy man daw ito ay sa 2015 pa siya pwede kasi sobrang busy siya.

***

YES, balik Kapuso na nga si Lorna Tolentino pagkatapos na maging Kapatid ng isang taon. Wala naman raw siyang reklamo sa TV5 at naging maayos naman ang working relationship niya sa Kapatid network. ‘Yun nga lang hindi pa talaga full blast ang soaps sa TV5 kaya nagdesisyun si LT na bumalik ng GMA. Maayos naman raw ang naging pagpapalaam niya sa TV5 kung saan ang huling projects niya rito ay ang Artista Academy at Third Eye.

Sa pagbabalik niya sa GMA ay si Dingdong Dantes ang kanyang magiging kapareha sa soap na Pahiram Ng Sandali. Yes, isang May-December affair ang tema ng teleserye kung saan hindi na bago si LT sa ganitong tema dahil nagawa na rin niya ito sa pelikulang Bayarang Puso kasama si Aga Muhlach noon.

Puro papuri si LT sa bago niyang leading man na si Dingdong dahil napaka-professional raw ng aktor.

Wala pa raw silang nakukunan na kissing scene o lovescene pero ngayon palang ay may mensahe na siya sa mga Dingdong-Marian Rivera fans na huwag magselos dahil purely work lang to.

Gusto rin niyang bumalik sa Startalk pero sana lang daw ay ilagay na siya sa ibang segment ng show at huwag na siyang pag-interbyuhin at intrigahin ang kapwa niya artista! Flattered rin siya na siya ang napipisil ni Grace Poe na pumalit dito bilang MTRCB chairman next year dahil tatakbo na ito sa Senado. Pero sa ngayon ay hindi niya ito matatanggap kasi nga nakakontrata siya for 2 years sa GMA kung saan three times a week ang taping niya sa soap kaya hindi rin siya makapapasok sa MTRCB office para gampanan ang trabaho roon.

Happy rin siya sa pagiging first time lola niya. At okey lang daw kung lola ang itawag sa kanya ng kanyang apo dahil lola naman talaga siya.

***

NAKALOLOKA ang pelikulang Rigodon na pinagbibidahan ng pinakabagong Sex Goddess ng local cinema na si Yam Concepcion. Mapangahas talaga si Yam, ang latest discovery ng Viva, sa kanyang mga sex scenes with John James Uy. Hubad kung hubad! Finger kung finger! Lahat na yata ng posisyun ay ginawa niya kasama si John James pati na ang dogstyle. Siguradong mag-iinit ang lahat ng manonood!

Hindi na kami nagtaka na si Yam ang naging cover ng FHM sa October issue at sold-out ito dahil completely na-sked siya sa cover pictorial. Nagulat rin kami kay John James at gumanda na ang kanyang pangangatawan ngayon. Slim na siya at hindi chubby tulad noong naging top 3 siya sa Be Bench reality show. Hindi rin nagpatalbog si Max Eigenmann sa palakihan ng boobs at sa acting!

Hindi lang isang sex movie ang Rigodon kungdi isa rin itong thriller at suspence. May mamatay sa ending pero hindi na namin sasabihin kung sino para may suspence. This is directed by Erik Matti na siyang nagdirehe ng mga sexy movies na Scorpio Night2 at Balahibong Pusa under Viva Films.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply