Sexbomb Johlan nasangkot sa aksidente sa Kyusi

sexbomb-johlan

NABANGGA ng minamanehong sasakyan ng Sexbomb dancer na si Johlan Veluz ang isang motorsiklo sa Barangay Batasan Hills, Quezon, City, kaninang madaling araw.

Batay sa ulat sa radyo, sa pagsisiyasat ng QCPD Traffic Sector 5, nasalpok ng Honda City ng Sexbomb dancer ang isang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki.

Naganap ang aksidente sa may u-turn slot sa westbound lane ng Commonwealth.

Nagtamo ng sugat ang dalawang nakasay sa motor habang masuwerteng hindi nasugatan si Veluz.

Gayunman, nawasak ang unahang bahagi ng sasakyan ng dancer at basag din ang windsheild nito.

Nagkaayos naman ang magkabilang panig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply