Shalani pinahirapan nang husto ni Mother Pilita!

shalani-soledad

NABASA namin sa isang tabloid na itatapat raw ang bagong show ni Willie Revillame next year sa “Eat Bulaga”. Hindi pa malaman kung papalitan ang titulo o ililipat ang “Wil Time Big time” sa oras.

Mas inaabangan ngayon ang malaking rebelasyon ni Willie kung ano talaga ang plano niya sa 2013.

Nagiging tanong ng bayan ngayon na kung magiging noontime show ulit si Willie. Ibig bang sabihin ready na naman niyang tapatan ang kaibigan niyang si Joey de Leon?

Basta ang malinaw ngayon ay hindi mag-oober da bakod si Willie dahil balita namin ay sa October pa ang expiration ng kanyang kontrata sa TV5. Baka naman sa Delta Theater siya lilipat gaya nang una naming nasulat nu’ng araw? Hindi kaya?

Basta ngayon enjoy muna tayo sa kanyang programang ‘Wil Time Big Time’.

Tsuk!

-0o0-

PINAG-UUSAPAN ang kissing scene nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes sa primetime series na “Pahiram ng Sandali” na magsisimula sa Nov. 26. May tema ito na tutuhugin niya ang mag-ina sa serye na sina LT at ang bago niyang leading lady na si Max Collins. Nilinaw ni LT na walang kilig moment sa kanila ni Dingdong. Professional at trabaho ang nangyari sa kanila.

“Ayaw ni Marian ng ganyan,” sey pa niya.

Nailang ba siya kay Dingdong sa halikan nila?

“Siyempre, yung mga ganyan, hindi mo naman mararamdaman pag andiyan na yung trabaho. Hindi naman ‘yan landian talaga, e.
Kung landian ‘yan, mararamdaman mo. E, hindi naman jundian ito, di ba?” deklara ni LT.

“Ninerbiyos ako, pero I made used of my nervousness, ginagamit ko yun para maging mas mahusay. Kailangan meron akong konti nun, e, para maging mahusay yung performance mo,” sey pa niya.

-0o0-

PINAHIRAPAN nga ba nang husto ni Pilita Corrales si Shalani Soledad-Romulo?

Labis ang paghahanda ni Shalani para sa production number niya ngayong Linggo sa “Game ‘N Go”. Kakanta raw kasi ang mahinhing konsehala kasama ang mga dating winners ng Singgaling Go.

Humingi ng tulong si Shalani sa Asia’s Queen of Song at kinuha itong mentor. Ayon kay Shalani, para raw siyang sumabak sa isang reality singing show sa ginawang training niya with Ms. Pilita. In fact, mapanonood rin sa darating na Linggo ang behind the scenes ng training ni Shalani kasama si Pilita.

Talbog!

-0o0-

PANALO ang Toda Max sa ginanap na PMPC Star Awards for Television kamakailan. Mula sa limang nominasyon na natanggap ng sitcom, tatlo ang naiuwi nito: Best Comedy/Gag Show, Best Comedy Actor para kay Robin Padilla, at Best Comedy Actress para kay Pokwang.

Masaya ang co-nominees nina Robin at Pokwang na sina Vhong Navarro at Angel Locsin sa pagkapanalo ng kanilang co-stars.

“Nakatutuwa pong isipin na kahit papaano ay na-nominate ako kahit na baguhan pa lang ako sa comedy. Congrats po kay Ms. Pokwang at kuya Binoe,” ani Angel.

Ito ang unang panalo ni Robin bilang comedy actor samantalang ang beterana sa comedy na si Pokwang ay ilang beses na ring nakatanggap ng Best Comedy Actress award.

“Kahit po ilang beses na ako nanalo at nanonominate, hindi ko pa rin po lubos na maisip na napakarami kong ta- ong napasasaya. Maraming maraming salamat sa mga bumubuo ng PMPC Star Awards at napansin ninyo ang lahat ng ibinubuhos namin sa Toda Max,” ani Pokwang.

Ani naman ni Robin, “Napakasarap po ng pakiramdam na hindi pa tapos ang month-long anniversary ng sitcom ay dalawa nang Best Comedy Show ang natanggap namin. Maraming salamat sa PMPC at sa mga mahal naming manonood na patuloy ang suporta sa amin.”

Kamakailan lamang ay natanggap ng sitcom ang parehong award mula sa Catholic Mass Media Awards.

Samantala, upang ipagpatuloy ang month-long anniversary ng sitcom, kakaibang tawanan ang magaganap sa pagbisita nina Direk Bobot Mortiz at Tirso Cruz III. Magsisilbi silang mga dating kabarkada at kabanda ni Tatay Mac (Al Tantay) at mga ninong ni Isabel (Angel). Magkukrus ang landas nina Isabel at ng mga ninong at nanaisin nina Bobot at Tirso na makita muli si Tatay Mac.

Ngunit malalaman ng dalawa na may sama pa ng loob sa kanila ang ama ni Isabel. Susubukan nina Tol (Robin), Justin (Vhong), Isabel at Lady G (Pokwang) na pagbatiin ang tatlo.

Mauwi kaya sa masayang reunion ang muling pagkikita ng magbabarkada? Alamin sa Toda Max ngayong Sabado, November 24, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply