Shell fish ban, ibinaba sa baybayin ng Pangasinan

pangasinan

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng pamahalaan ang paghuli, pagbili, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish na mahuhuli mula sa coastal waters ng Bolinao at Anda sa Pangasinan.

Ito’y matapos na muling mag-positibo sa red tide toxin ang naturang lugar.

Batay sa Shellfish Bulletin no. 27 na ipinadala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Department of Health (DOH), bukod sa naturang lugar ay nananatili pa ring positibo sa red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental kaya’t hindi pa rin maaaring kainin ang mga shellfish doon.

Nabatid na bukod naman sa shellfish ay mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkuha ng alamang o acetes sp. mula sa mga naturang lugar.

“All types of shellfish and acetes sp. or alamang gathered from the said areas are NOT SAFE for human consumption,” bahagi ng naturang shellfish bulletin.

Nilinaw naman ng BFAR na ligtas naming kainin ang mga isda, pusit, hipon, at mga alimango na nahuhuli sa lugar ngunit kinakailangang sariwa ang mga ito, nahugasang mabuti at naalisan ng mga lamang-loob tulad ng hasang at bituka bago lutuin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply