Shell, Petron nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

fuel-hike1

PINANGUNAHAN ng malalaking kompanya ng langis sa bansa ang pagpapatupad ng taas presyo ng kanilang mga produktong petrolyo na epektibo kahapon ng umaga.

Dakong alas-6 kahapon ng umaga nang ipatupad ng Pilipinas Shell ang karagdagang P1.15 kada litro ng presyo ng premium at unleaded gasoline, P0.70 kada litro ng regular gasoline at P0.25 kada litro ng kerosene.

Sinundan naman kaagad ito ng anunsiyo ng Petron Corporation ng kahalintulad ding halaga bagama’t kaagad na kumambiyo at nilinaw na tanging ang Blaze premium gasoline lamang ang tumaas ng P1.15 kada litro habang ang kanilang Xtra at XCS unleaded ay P1.00 kada litro.

Sa text message ni  Raffy Ledesma,  strategic communications manager ng Petron, nilinaw din niya na hindi rin gumalaw ang presyo ng kanilang diesel taliwas na unang napaulat na P0.25 kada litro ang itinaas nito habang ang regular gasoline at kerosene ay tumaas din ng kahalintulad na halagang idinagdag ng Pilipinas Shell.

Kahapon ay sumunod na rin sa pagtataas ng kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad ding halaga ang Total Philippines, Seaoil, Flying V at Eastern Petroleum, habang hindi pa naman gumalaw ang presyo ng Unioil at Ptt.

Sinabi nina Ledesma at Toby Nebrida ng Pilipinas Shell na ang paggalaw ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ay bunsod na rin ng pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply