Sherlock Holmes instinct

_bong padua

MATAGAL ko nang hindi nakakausap si C/Insp. Rodel Marcelo, kasintagal ng 12 taon, simula nang umalis ako sa pagiging beat reporter at nagtrabaho sa ibang opisina na may kinalaman din sa trabaho ko bilang mediaman.

Sa buong 20 taon ng pagiging reporter, ang Quezon City Police District (QCPD) at Camp Crame beats ang paborito kong tambayan noon kapag ako’y naghahanap ng malalaking crime stories.

Marami akong naging kaibigang mga pulis – mga naging koronel at heneral, ilan sa kanila’y pumanaw na. Ang iba’y mga nasa active duty pa sa Camp Crame at ang  iba ay sa iba’t ibang sangay ng PNP.

Isa sa kanila ay si C/Insp. Rodel Marcelo, ang QCPD official na  ngayo’y ‘man of  the hour’ dahil sa tema ng talakayang pagkakalutas ng kanyang unit sa  pagpatay kay ABS-CBN talent Julie Ann Rodellas.

Kung sa lumipas na 12 taon, tila, wala akong pakialam sa opisyal na ito, kahapon ako’y  gumawa ng paraan para malaman ang kanyang contact number para personal na batiin  sa solusyon nila ng Rodellas murder.

At sa kabila ng kaliwa’t kanang papuri dahil sa pagkakalutas ng nasabing kaso, mapagpakumbaba pa ring sagot sa akin, habang kino-congratulate ko sa telepono, ang mga katagang “Nakatiyamba lang po kami.”

Hindi pa man natin natutunghayan ang police report,  naglaro kaagad sa aking isipan ang mala-‘Sherlock Holmes’ operation na isinagawa ni Marcelo at kanyang mga CIDU operative sa  paglutas sa kaso.

Si Holmes ay ang legendary British cop na magaling sa pagresolba sa mga malalaking krimen. Masipag at  may kakaibang galing sa pagtukoy at pagresolba sa mga tinatawag na sensational crime case.

Matagal kong ring na-cover ang mga malalaking kaso sa QCPD na nalutas ni Marcelo.

Walang duda na kaya narereresolba ang malalaking kaso ay  dahil sa kanyang ‘Sherlock Holmes’ instinct.

Dahil sa pagkakalutas sa malaking kasong ito, nakaligtas ang pambansang kapulisan sa sana’y  pambubuska na naman ng taumbayan dahil sa kahinaan ng pulisya na sugpuin ang mga insidente ng krimen.

Ngayon…kung sa bawat pagkakamali ng pulis ay may karampatang aksiyon si Gen. Leonardo Espina, baka naman sa pagkakataong ito, parangalan niya ang mga CIDU – QCPD cops na lumu-tas sa Rodella murder.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply