Shoe Caravan sa Marikina kumita ng milyon

SA patuloy na pag-usad ng Shoe Caravan ng lungsod ng Marikina na bumibisita sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila, nagtala ito ng kita na PhP1,855,264 sa kabuuan ng ika-8 linggo. Mula ito sa kinita ng Patio Del Zapateros, Sapatos Central at sa pagbisita nito sa Parañaque City noong nagdaang linggo.

Mula ika-10 ng Setyembre hanggang ika-3 ng Nobyembre umaabot na sa PhP23,903,048.10 o 60% ng bagong target na PhP40milyon ang kinita ng mga magsasapatos. Ito ay may katumbas na 48,024 na pares ng sapatos, tsinelas, sandals at iba na naibenta sa loob ng walong linggong caravan.

Sa unang linggo ay naitala ang kitang  PhP1,855,748.25; sa ikalawang linggo pumalo ang kita ng caravan sa  PhP3,710,282; sa ikatlong linggo nadagdagan ito ng PhP1,042,239; sa ikaapat na linggo ay naitala ang kitang PhP4,484,149.85; sa ikalimang  linggo ay PhP3,719,052; sa ika-anim na linggo ay PhP4,311,402; at sa ika-pitong linggo ay tumabo ng kita na PhP2,906,791.

“Sa nalalabing walong linggo ng ating caravan, at papalapit na kapaskuhan, inaanyayahan natin ang lahat na isama sa inyong mga listahan ng pamasko o pangregalo ang mga sapatos na gawang Marikina. Bukod sa subok na ang tibay ay tiyak na hindi masasayang ang inyong pera dahil matagal na magagamit ang mga sapatos na ito,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Sa kasalukuyan ay nasa lungsod ng Pasay ng Shoe Caravan na tatagal hanggang ika-6 ng Nobyembre. Susunod nitong bibisitahin ang lungsod ng Makati sa ika-7 hanggang ika-8 ng Nobyembre, at bibisitahin nito ang Las Piñas Star Mall sa ika-9 hanggang ika-10 ng Nobyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply