Shoe-per Star Alley (Batch 2012) sa Marikina pinasinayaan na

BILANG bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng Sapatos Festival 2012 sa ika-12 hanggang ika-18, pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang Shoe-per Star Alley (Batch 2012) kanina ng ika-6 ng gabi sa Sentrong Pangkultura ng Marikina (Kapitan Moy building) sa tabi ng Marikina Shoe Museum.

Ang Shoe-per Star Alley ay katulad ng Hollywood Walk of Fame na magbibigay pagkilala sa ilang kilalang personalidad sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng mga ito sa isang 60cm x 60cm tiles na may 16cm x 16cm disenyo ng sapatos na gawa sa brass.

Ilan sa mga kilalang personalidad na binigyang parangal noong isang taon sa Shoe-per Star Alley tulad nina dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos, Chess Grand Master Eugene Torre, at beteranong mamamahayag na si Tina Monzon Palma ay inaasahang dadalo sa  nasabing aktibidad.

“Tayo ay lubos na nagagalak sa pagbisita ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos dito sa atin sa lungsod ng Marikina at sa ating Shoe Museum na kasalukuyang nangangalaga sa kanyang mga sapatos,”wika ni Mayor Del De Guzman.

Ngayong taon, ang mga sumusunod na personalidad ang bibigyang pagkilala:Heidi Mendoza, Bonifacio Ilagan, Monique Wilson, Angel Locsin, Joel Lamangan, Venus Raj,

Brian Tenorio, Winnie Cordero, Efren Peñaflorida Jr, at John Arcilla.

Dagdag pa rito, gagawaran din ng posthumous recognition ang hari ng komedya na si Rodolfo Vera Quizon o mas kilala bilang si Dolphy.

“Kinikilala natin ang mga naging kontribusyon ng mga indibidwal na ito sa pagsuporta sa

industriya ng sapatos sa Marikina. Sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga pangalan sa Shoe-per Star Alley, nais nating ipakita sa kanila ang ating pasasalamat.” dagdag pa ni De Guzman.

Ang mga kinilalang personalidad ay magbibigay din ng kanilang personal na pares ng sapatos na ilalagay sa Shoe Museum.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply