Show ng ilusyonadong aktor kulelat sa rating

DISAPPOINTED daw ang big boss ng TV station sa ratings nang bago nilang show kung saan ang host ay ang aktor na ilusyunado na feeling sikat na sikat ngunit nang lumipat sa ibang istasyon ay biglang natigok ang career.

Inaasahan daw kasi ni boss na aalagwa ito sa mga katapat na programa dahil kilala siyang artista at magaling namang mag-host pero simula nang umere ito at hanggang ngayon ay kulelat pa rin.
Pinakakain lamang siya ng alikabok ng mga ito.

Kawawa naman si boss, bigo na nga siya sa show ng isa pa niyang host na maangas ang dating at bigay nang bigay ng salapi sa iba pero hindi naman ito sa bulsa niya nanggagaling, heto’t dumagdag pa ang balbasaradong aktor.

***

ATe Vi nag-bonding sa Hongkong kasama ang pamilya

NGAYONG ,November 3, ay nag-celebrate ng kanyang ika-‘nth’ birthday si Batangas governor Vilma Santos. Katulad last year kung saan nagkaroon nang birthday hopping si Ate Vi from one Asian city to another kasama ang kanyang husband na si Sen. Ralph Recto, Ryan Christian at ilang close friends, this time ay sa Hongkong sila nag-bonding na mag-anak.

Si Luis hindi nakasama dahil nasa piling ito ng kanyang sweetheart na si Jennylyn Mercado na balita namin ay nagpunta rin ng abroad.

Sa Star for All Seasons, maligayang kaarawan at salamat sa pagkilala at pagbibigay nang halaga sa aming mga manunulat na bagama’t bago lang sa kanyang paningin pero hindi siya nagdalawang isip na kilalanin kami. Si Ate Vi pa rin ang nag-iisang hinahangaan naming pinakamagaling na artistang nakilala namin simula nang maging bahagi kami ng industriyang ito.

***

Angelica masaya at kuntento kay John Lloyd

MATAPOS ang matapang na pag-amin ni John Lloyd Cruz sa “The Buzz” noong isang linggo kaugnay ng tunay na estado ng kanyang puso, ang girlfriend naman niyang si Angelica Panganiban ang nagbahagi ng kanyang mga saloobin kahapon (Nobyembre 3) sa trending entertainment talkshow ng ABS-CBN na “Showbiz Inside Report.”

Tulad ni John Lloyd, aminado rin si Angelica na kakaibang ligayang dulot sa kanya ng kanilang relasyon. “Hindi ko inasahan na makakaramdam ako ng ganito–masaya, kuntento,” pahayag niya.

Bukod sa nakakikilig na kwentong pag-ibig ni Angelica, naging tampok rin sa “Pangarap, Pag-ibig, Pamilya” episode ng programa ang Kapamilya hunk na si Rayver Cruz at ang Thai superstar at lead actor ng romantic-comedy film na “Suddenly It’s Magic” na si Mario.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply