Showbiz personalities, fans, excited na sa JLo concert

jlo

WALANG katapusan ang pagpapahayag ng singer-actress na si Jennifer Lopez, na mahal niya ang kanyang mga Pinoy fans at handa niya itong pasiyahin sa pamamagitan ng kanyang mga aiwitin na may kasama pang pag-indak .

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng tinaguriang global superstar na mahal nito ang Manila.

Napag-alaman na kagabi mismong si Lopez ang nag-anunsyo sa Twitter ng paglapag nito sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng isang chartered flight kasama ang 75 crew nito.

“MANILA!!!!!!!!!!! Just Landed! Where my #LOVE!RS at? #DanceAgainWorldTour2012 #Letsgetit,” ang tweet ni Lopez.

Ito ay para sa one night concert ni Lopez mamaya na ilang linggo bago ang show ay soldout na agad ang tickets kahit na may kamahalan.

Sa Twitter, inimbitahan ng dating American Idol judge ang kanyang mga fans para sa isang party sa kanyang Dance Again World Tour.

Patunay naman ng mainit na pagtanggap ng mga Pinoy kay JLo ay ilang oras na pag-abang nila sa airport para masilayan ang idolo.

Pero todo higpit ang seguridad sa NAIA.

Ang Twitter ay binaha rin ng mensahe na nagpapahayag ng excitement matapos mabalitaan ang pagdating ng kanilang idolo at halos hindi na nakatulog sa pag-iisip sa concert mamaya ng “Maid in Manhattan” star.

Ilang mapalad na fans naman na pipiliin mismo ni Lopez ang makakaharap ng personal ang superstar.

Kabilang sa mga hit songs ni Lopez ay ang “Jenny From The Block,” “Let’s Get Loud,” “Waiting for Tonight,” “I’m Into You,” ang pinakabago ngayon na “Dance Again,” at marami pang iba.

Kasabay ng concert nito mamayang gabi sa Mall of Asia Arena, ilan sa mga local celebrities ang nagpaabot ng welcome message kay JLo sa pamamagitan ng social networking site na Twitter.

Si Maja Salvador nakisali pa sa pa-contest ni Lopez at, iti-tweet sa kanya ang larawan ng concert ticket at pipili ang dating American Idol judge ng fans para personal niyang makakaharap mamaya sa backstage.

Ilan din ang nagkumpirmang manonood mamaya ng concert ni Lopez kagaya nina Maja Salvador, Jessy Mendiola, Bubbles Paraiso, Nikki Valdez, Luis Manzano, Christine Bersola, Regine Tolentino at Jed Madela.

Una nang sinabi ng tinaguriang “Queen of the Dance Floor” na nagpapasalamat ito sa kanyang mga Pinoy fans sa mainit na suportang ipinapakita sa kanya.
Napag-alaman na ilang linggo bago ang concert ay soldout na ang tickets kahit na ang pinakamahal ay nasa P25,000 at ang bleacher seats na pinakamura ay nasa higit P2,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply