Shrine, chapel sa Maynila ipapangalan kay St. Calungsod

INAASAHAN na ni Cardinal Luis Antonio Tagle na magkakaroon ng bagong Shrine at chapel sa Archdiocese ng Maynila na ipapangalan kay San Pedro Calungsod.

Naniniwala ang Cardinal na balang araw ay mayroon ding magre-request na gawing patron saint ng isang parokya o shrine si San Pedro Calungsod.

Hindi na rin aniya nakapagtataka kung dadami ang simbahan at chapel na isusunod sa pangalan ng bagong hirang na santo dahil isa itong Filipino.

“Hindi naman siguro bubulusok ng ganoon, pero in fact marami na mga parokya na may mga patron saints na. Iyon sigurong mga bagong parokya o chapel Im sure they will consider San Pedro Calungsod. Pati naman sa mga parokya na mayroon ng mga Patron Im sure mayroon silang ilalagay na image sa chapel. Kasi maganda din na makilala natin yung mga dakilang tao na galing sa States, sa Italy, sa France at ngayon ito ang kadugo natin ay naging Santo”.pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radio Veritas

Gayunamn, nilinaw ng cardinal na ayaw nitong pangunahan ang uspain sa pagtatayo ng mga shrine at chapel sa pangalan ni San Pedro Calungsod dahil magaganap ito sa takdang panahon.

Samantala, nagpapatuloy sa kasalukuyan ang “Duaw Nasud” o pagbisita ng imahe ni San Pedro Calungsod sa iba’t ibang Diocese sa bansa.

Ngayong araw, mula sa Diocese ng Imus sa Cavite ay dadalhin ang pilgrim image ni San Pedro Calungsod sa Archdiocese ng Lipa sa Batangas at mula doon ay maglalakbay ito patungong Bicol Region.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply