Si Binay at political dynasty

_bobby ricohermoso

NITONG mga nakaraang araw ay muling nabuhay ang isyu ng political dynasty dahil na rin sa pag-iingay ng ilang grupo na laban dito.

At dahil napapabilang ang angkan ni VP Jejomar Binay sa sinasabing nagpapalawig ng ganitong sistema ay madalas tuloy nagiging tampulan siya ng puna at batikos.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Binay na tutol siya na ipagbawal ang mga political dynasty, basta lamang kuwalipikado at may kakayahang mamuno ang mga miyembro nito na inihahalal ng taumbayan.

Idiniin pa ni Binay na ang tunay na diwa ng demokrasya ay sundin ang kalooban ng taumbayan at tanging kagustuhan lamang nila ang dapat masunod.

Sa mga hindi pa nakakaalam si Binay ay dating aktibista na lumaban sa rehimeng Marcos noong panahon ng Martial Law.

Nang bumaba sa kapangyarihan si Marcos noong 1986 dahil sa People Power revolution ay ini-appoint si Binay ni dating Pangulong Corazon C. Aquino bilang officer-in-charge ng Makati.

At simula ng panahong iyon ay hindi na binitiwan ni Binay at ng pamilya niya ang renda sa pinakamayamang lungsod sa bansa. Pagkatapos niyang mahalal ng tatlong beses ay ang asawa naman niya na si Dra. Elenita ang pumalit sa kanya.

Pagkatapos ng isang termino ay bumaba na si Dra. Elenita kaya muli siyang pumalit sa tungkulin hanggang matapos niyang muli ang tatlong sunod na termino noong 2010.

Sa pagkakataong iyon ay tumakbo na siya bilang VP at nanalo naman pero siniguro niyang ang anak niyang si Junjun ang papalit sa kanya sa puwesto.

Maliban pa doon ay nanalo bilang kongresista ang anak niyang si Abigail samantalang tatakbo naman bilang senador sa ilalim ng partido niyang United Nationalist Alliance (UNA) ang isa pa niyang  anak na si Nancy.

In fairness naman sa mga Binay, kahit pa political dynasty silang matatawag ay talagang malinis at walang bahid ng pandaraya ang mga panalo ng angkan nila sa mga halalan.

Maliban pa rito na nagustuhan na rin siguro ng mga taga Makati ang pamumuno ng pamilya nila da-hil na rin sa mga magaganda nilang programa.

Pero para sa grupo ni Ricardo Penson na lead convenor ng Kru-sada Kontra Dynasty, hindi nila matatanggap ang posisyon ni Binay sa isyu ng political dynasty.

Sinabi ni Penson na nakakabahala ang pananaw ni Binay maliban pa aniya na maliwanag na itinatadhana sa 1987 Constitution ang pagbabawal sa mga political dynasty.

Sa harap ng mga argumento at kontra-argumento tungkol sa isyu, naniniwala ako na panahon na talaga para putulin ang patuloy na pamamayagpag ng mga political dynasty.

Ang dynasty kasi ang siya na ring kumokontrol sa kabuhayan at kinabukasan ng mga mamamayan at pangunahing dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad bilang isang bansa.

Dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong henerasyon ng mga lider na may kakayahan ding mamuno kahit hindi mula sa kilalang mga poltical clan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply