Si Kuh Ledesma ba ang tinutukoy na diva na nakarelasyon ni Monique Wilson?

kuh-ledesma

ACTUALLY, hindi na nga talaga bago sa lahat ang pag-amin ng international stage actress na si Monique Wilson na isa siyang certified “lesbiana.”

Kasi 90’s pa lang ay bulung-bulungan na sa showbiz na pards si Monique lalo na noong ibuko ito ng gwapong actor na nakapareha ng aktres sa isang movie sa Viva Films. Gusto kasing pormahan ni aktor si Monique pero biglang na turn-off ito nang malamang babae rin pala ang hanap ng type pa namang celebrity.

Then, may ilang blind item pa na lumabas rin before tungkol sa aktres at sa pagkakaroon nila ng relasyon ng sikat at nirerestong diva sa industriya. May hint na si Kuh Ledesma diumano ang Diva na tinutukoy na naging ka-on noon ni Monique?

Pero dahil walang kompirmasyon sa both parties, namatay na lang ang isyu sa dalawa. Pero ngayon ay muli na naman itong binubuhay dahil nga sa pag-amin ni Monique sa kanyang ipinatawag recently na presscon para sa kanyang bagong stage play kung saan inamin na nga ng aktres na isa siyang tibo.

Inamin rin nito na 14 years na sila ng ka live-in na non-showbiz girl na hindi na niya pinangalan for the girl’s privacy.

Honesty is best policy in our lives gyud!

***

MELVIN Tudtud From Cebu, Nahirang Na Kauna-unahang “D’ Kilabots Mr. Pogi…Whew!? Sa Eat Bulaga

Ang tubong Bisaya from Cebu City na si Melvin Tudtud, contestant #14 ang siyang nahirang na first “D’ Kilabot Mr. Pogi…Whew!? sa idinaos na Grand Finals last Saturday sa Eat Bulaga.

Tinalo ni Melvin ang pito pang ka- tunggaling finalists dahil sa siya ang may pinakanakakikilabot na bilib sa sarili at talaga namang umaapaw at humahataw ang galing at husay ng talento.

Nagkamit ng 100,000 cash na premyo si Melvin at tropeong magpapatunay na siya ang kauna-unahang Mr. Kilabot ng Eat Bulaga. Wagi naman sa Texters choice sa halos 300,000 votes ang Contestant # 7 na mula sa Silang Cavite City na si Jhonas Dichoso. Second Runner-up naman si Peter Thomas Fanega of Mandurriao Iloilo City na tumanggap ng 30 K at 50 K naman ang ipinagkaloob ng Bulaga para sa first Runner-up na winner sa Texter’s choice na si Jhonas Dichoso.

Dalawa sa nagsilbing judges sa D’Kilabots ay sina Jose at Wally na naka-remote telecast noong araw na ‘yun mula Zamboanga kung saan doon idinaos ng limang araw ang public service segment ng Bulaga na “Juan For All, All For Juan!”.

After ng pamamalagi nila sa Zamboanga kung saan pinasaya nila at pinasalu- bungan ng apaw-apaw na papremyo ang mga kapatid nating Muslim. Dadalo naman sina Jose at Wally para sa kanilang red carpet premiere sa latest comedy movie nilang “D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!? na triple sa katatawan na gaganapin tonight, November 27 sa SM Megamall Cinema 9. Bukas, Nov. 28 naman ang grand opening day nito sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

Siyempre, dadalo rin ang kanilang mga co-stars at producers na sina sir Tony Tuviera ng APT Entertainment at Bossing Vic Sotto naman ng M-ZET TV Productions.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply