Sibling rivalry, ‘di uso!

VERY proud raw si Aljur Abrenica para sa younger brother niyang si Vin Abrenica na nanalong best actor kamakailan sa Artista Academy.

Naroon nga siya sa Smart Araneta Coliseum no’ng final night ng nasabing talent search ng TV5.

“Hindi po ordinaryong nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ‘yong nangyari noong Sabado (October 27) sa final night ng competition na sinalihan niya,” sabi nga ng Kapuso actor. “Kasi dalawa na kaming nanalo sa competition.”

Winner rin kasi si Aljur ng Starstruck talent search ng GMA. Tagumpay na na-duplicate nga ng kapatid niyang si Vin nang manalo naman sa Artista Academy recently.

“Napakalaking karangalan po talaga na ibinigay sa amin ng Panginoon kaya labis-labis ang tuwa at pasasalamat ng buong pamilya namin.”

Apat silang magkakapatid. Posible rin kayang mag-artista o sumali rin sa talent search ‘yong dalawa pa?

“May possibility rin po. Hindi po natin masabi pero thankful po talaga ako.”

Ngayong artista na rin ang kapatid niyang si Vin, hindi kaya magkaroon ng professional rivalry sa kanila?  Lalo at hindi maiiwasan ngayon na magkaroon ng comparison sa kanilang dalawa. “A… hindi na bago sa amin ‘yon.  Nagsisimula pa lang po siya, pinagku-compare na po kami.

“Pinagku-compare kami kung sino ang mas magaling. Kung sino ang mas guwapo.

“Pero para naman po sa akin, e… sa totoo lang po, sa nakikita ko sa kapatid ko, hindi ordinary ‘yong ginawa niya.

“Para sa akin, mas magaling siya kesa sa akin. Mas hinahangaan ko siya.

“Kasi may pagkakataon na siya, may oportunidad na siya noon na makapasok bilang isang artista kung gusto niya. Pero mas pinili pa rin niya na sa ibang istasyon mag-try ng kanyang luck.

“Na pumila siya sa audition. Pumila siya nang matagal. Nakasakit pa siya. Pinagdaanan niya lahat ng hirap. Na hindi siya talaga humihingi ng tulong sa akin.

“Iyon ‘yung hinangaan ko sa kanya.

“Napakalaki ng karangalang ibinigay niya sa amin. And… kumbaga, hindi pa tapos ‘yan. Marami pa ‘yan. Nagsisimula pa lang siya at sana hindi siya magbago katulad ng sinabi nga niya na… patuloy lang siyang mag-aaral, patuloy niyang paghuhusayan, na hindi niya imi-melt down ‘yong mga tao sa paligid niya.

“At sana, manatili siyang mapagmahal sa pamilya. Sa mga kapatid. At sa akin.

“Huwag na huwag niyang kakalimutan ang mga taong tumulong sa kanya and he should always keep his feet on the ground. Proud kaming lahat talaga sa kanya.”

Ayaw man ni Aljur na matanong tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang lovelife, hindi pa rin siya makaiwas na mausisa tungkol rito.

“A… working, e,” aniya. “Working. Nagtatrabaho pa rin po ako. At trabaho muna ang focus ko.”

Pero okey pa rin sila ng matagal nang napapabalitang girlfriend niyang si Kylie Padilla?

“Maayos kami. Maayos naman po kami.”

Kaya happy siya ngayon?

“Masaya naman. Masayang-masaya ako ngayon.”

Happy siya sa takbo ng kanyang career at happy rin sa takbo ng lovelife niya ngayon.

“Oo, masaya ako,” nakangiting huling nasabi ni Aljur.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply