Sikat na fashion designer pinag-aagawan ng dalawang hunky actors

NAKU! Marami talaga ang insecure rito sa sikat na Gay fashion designer na hindi lang rich kundi flawless pa ang skin all over. Why? kasi naman kahit na ‘yung married ng actor na nakakontra ngayon sa isang big TV network ay pumayag na makipagrelasyon rito kay FD. Sa katunayan kapag hindi busy si nasabing actor ay buong ning-ning na sinasamahan talaga nito ang kanyang mamang designer sa mga events na pinupuntahan nito.

Well, Oo! sana’y ng pumatol sa bakla si actor pero hindi naman siya rating ganito na parang asong bubunto’t-buntot sa kaon na bading. Mas malaki siguro ang give sa kanya ng naturang cotourier ng mga sikat na celebrities at malalaking tao sa lipunan. Saka ano ba talaga ang taglay na “magic” ng ateh nating ito?

Kasi ba naman kahit na ‘yung original niyang flawless na Papang hunk actor ay hindi pa rin siya tinatantanan. Siya pa rin ang hinahanap ng actor. Siguro ang galing-galing sa churvahan ng gay personality na ito at generous nga kaya nababaliw ang mga lalaking nakare-relasyon o nakauulayaw. Zinolala ang tinutukoy nating class na fashion designer? May connect siya sa rating secretary ng Department of Health. Siya na nga at wala ng iba gyud!

***

Aimee Torres hot at controversial dahil sa viral original song na Pusong Bato

ISA kami sa maraming tao sa industriya na malapit sa controversial comebacking singer-actress na si Aimee Torres sa magpapatunay na kanya talaga ang itinuturing ng viral song ngayon na Pusong Bato at siya ang original singer nito at hindi ang nagpapanggap na si Rene “Alon” Dela Rosa. Sana, hindi na lang nagpapakita sa TV ang benta-bawi na nilalang na ito. Hayan tuloy, turn-off na sa kanyang sobrang kapangitan ang publiko.

Taong 2003 ay si Aimee ang unang nag-launch ng Pusong Bato sa Mastershowman ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs at nag-number 2 pa nga sa Love Radio mula 2003 hanggang 2004.

Samantala, masayang malungkot ang singer na sumikat sa mga ginawang movies noon sa Tri-Vision Films International kung saan napansin ang acting niya at ganda ng boses dahil siya ang kumanta ng theme song nito na Ambon na composed ni Rey Valera.

Masaya si Aimee dahil ibinigay sa kanya ng Diyos ang tumatayong manager ngayon na si Mama Jobert Sucaldito. With Mama Jobert’s help and connections, tiyak na mas malayo pa ang mararating ng career ng nasabing inaping singer.

At bilang buwenamano, belong na si Aimee sa mga Kapamilya artists ng Star Records. Ang nasabing sikat na recording company ang siyang nag-release muli ng self-titled album nito na Aimee Torres The Original Pusong Bato, An album for a Lifetime.

Siyempre nangunguna sa track ng kanyang album ang Pusong Bato at kasama rin ang mga awiting Silang Nasa Ibayong Dagat, Pagirlfriend-Girlfriend Lang, Nang Dahil Sa ‘Yo, Binatang Batangueno, Halina’t Sumayaw, Kung Wala Kayo, Wala Ako, Rock ‘N Roll Pa Rin, Sana Laging Birthday Mo, at nag-iisang christmas song na Sana Sa Pasko. May bunos track pa sa album ang minus one ng Pusong Bato at Silang Nasa Ibayong Dagat na alay ng nasabing lalong gumaganda at seksing singer sa mga kababayan nating OFW. Ito ay produced ng Blue Eagle Music Productions.

At obvious na malungkot naman si Aimee dahil ang itinuturing nilang kapamilya ng si Alon ay lantaran silang niloko. Hawak na ni Aimee at ng Blue Eagle Music Productions ang kontrata na siyang magpapatunay na noong May 3, 2003 ay ibinenta na ni Renato dela Rosa sa halagang P140,000 ang lahat ng rights para sa 10 compositions nito including Pusong Bato.

Ibig sabihin, lifetime na pag-aari na ni Aimee ang mga komposisyong ito ni Alon. Ang masaklap rito ay inaang- king muli ng ganid na composer ang Pusong Bato at ang lakas ng loob pang ipagsigawang siya ang orihinal na kumanta nito. Buhay na saksi sa naturang pirmahan ng kontrata ang movie producer/publisher na si tita Lyn Madrigal at beteranong kolumnista na si Rudy dela Pena.

Sila ang magpapatunay na ibenenta nga ni Alon sa ama ni Aimee na si Mr. Manuel Torres ang compostions nito. Tapos ngayon, gusto niyang angkinin uli ito.

So, kapal naman gyud!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply