Siklista patay sa trak

LA UNION – Isang siklista ang namatay matapos itong banggain ng isang Elf sa Barangay Rissing, Bangar, La Union.

Dead-on-arrival ang biktima na nakilalang si Gregorio Pantil, 30, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng Bangar Philippine National Police (PNP), kusang sumuko ang driver ng nasabing Elf na nakilalang si Jhudo Benuyo, 36, ng Calasiao, Pangasinan pagkatapos ng insidente.

Sa report, pabalik na umano si Benuyo sa Calasiao ng biglang sumulput si Pantil sa kanyang daan at hindi ito napansin at tinamaan ito sa harap ng Elf.

Itinakbo pa ni Benuyo ang biktima sa Taguidin General Hospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa na ang lokal na PNP ng follow-up investigation sa insidente at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Benuyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply