Simbahan sa Surigao del Norte nilooban, koleksyon tinangay

NILOOBAN ng mga hindi pa kilalang magnanakaw ang St. Peter and Paul Parish sa Purok 2, Brgy. San Pedro, Surigao del Norte.

Sa naantalang report na naiparating sa Camp Crame, tinangay ng mga magnanakaw ang koleksyon ng simbahan na umaabot sa P22,000.

Base sa ulat, nadiskubre ni Fr. George Bacay Alfonso, parish priest, ang pangloloob sa simbahan nang pumasok siya sa kanyang opisina nitong Martes.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang mga magnanakaw ay nakapasok sa loob sa pamamagitan nang pagsira sa steel bars at jalousies ng bintana ng simbahan at ni-ransack ang opisina ng pari.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam kung sino ang mga nanloob sa simbahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply