Simbahan tutol sa stem cell therapy

cbcp

MAHIGPIT na tinututulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Bioethics ang pagtangkilik sa stem cell therapy sa bansa.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Bioethics chairman Malolos Bishop Jose Oliveros, itinuturing na “immoral” ang pagpapasailalim sa “embryonic stem cell therapy” na sumisikat na paraan ng pagpapaganda sa kasalukuyan.

Giit ng obispo, na dapat gamitin ng tao ang moral na paraan sa pagpapaganda at pagpapabata dahil ang stem cell therapy aniya ay nanggagaling sa embryo at buhay ng tao ang sinisira nito para magamit sa proseso.

“Kapag galing sa embryonic stem cell ay immoral, this is against to our belief. Sa mga animal ay tinitingnan pa natin ang morality pero yung sinasabi nila na pampabata sa mga politician at celebrities na sumailalim sa stem cell therapy ay immoral.Puwede namang ma-improve ang mukha ng isang tao but it should be moral. Kapag gumamit ka ng immoral ay mali na yun’.pahayag ni Bishop Oliveros sa panayam ng Radio Veritas

Kaugnay nito, nakatakda namang maglabas ng pastoral statement ang CBCP-Episcopal Commission on Bioethics kaugnay sa pagpapalabas ng “stem cell therapy regulation policy” sa Pilipinas.

Nilinaw ng obispo na in general principle ay tutol ang Simbahang Katolika sa stem cell therapy na manggagaling sa embryo o embryonic stem cell na kukunin sa isang tao na ililipat naman sa ibang tao.

Sa ngayon ay patuloy namang inaalam ng CBCP-Episcopal Commission on Bioethics ang sinasabi ng DOH na ang kanilang ginagamit sa stem cell therapy ay “fresh animal stem cell” na ginagawa ngayon sa Germany.

Inihayag ni Bishop Oliveros na kailangang linawin ng DOH kung saan kukunin ang cell na gagamitin sa stem cell therapy.

Base sa pag-aaral, ang tinatawag na “embryo” ay ang nabubuong sanggol o fetus sa sinapupunan na 7-linggong gulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply