Simbang gabi, hindi simbarkadas

Fr-conegundo-garganta

HUWAG gawing ‘simbarkadas’ ang Simbang Gabi!

Ito ang apela ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga kabataang dumadalo lamang sa Simbang Gabi upang makipag-barkada o di kaya’y makipag-date sa kani-kanilang kasintahan.

Pinaalalahanan din ni Garganta ang mga kabataan na isapuso ang kahalagahan ng ebanghelisasyon para sa paghahanda sa tradisyunal na Simbang Gabi.

Ipinaliwanag nito na ang Simbang Gabi ay panahon ng pananahimik at pagninilay para sa kaarawan at pagkakatawang-tao ni Hesukristo na ipinanganak sa sabsaban.

Giit niya, dapat na maunawaan ng mga kabataan na kaya sila nagsi-Simbang Gabi ay upang ipagdiwang ang Eukaristiya at paghandaan ang pagdating ng Panginoon at hindi upang makipag-barkada o makipag-date lamang.

“Sana hindi gawing parang simbarkadas ang Simbang gabi.  Sana maunawaan ng mga kabataan na kaya sila nagsisimba dahil sa pagdiriwang ng eucharist at hindi para sa mga barkada.  Ang Simbang Gabi ay panahon ng pananahimik, pagninilay at malalim na panalangin,” ayon pa kay Garganta, sa panayam sa radyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply