Sin Tax Bill, kontra-mahihirap

sigarilyo

KONTRAMAHIRAPang bagong pasang Sin Tax Bill sa Senado, ayon sa Kilusang Mayo Uno.

Gagamitin ng gobyernong Aquino ang apatnapung bilyong pisong dagdag buwis sa pagbabayad sa utang ng gobyerno at hindi upang pagandahin ang serbisyo ng mga ospital, ayon pa sa mga manggagawa.

Paliwanag ng grupo, hindi ang pananakot sa mas mataas na gastusin sa pagpapa-ospital ang mabisang paraan upang tumigil na ang mamamayan sa pagsisigarilyo o pag-iinom ng labis.

Mas kapani-paniwala umano ang gubyerno kung ilalaan ang dagdag na buwis sa pagtatayo ng mga pampublikong ospital na may libreng serbisyo, imbes na isapribatisa ang mga ito.

Dagdag ng KMU, hindi ang paninigarilyo ang pangunahing suliranin sa kalusugan ng mamamayang Pilipino kundi ang kahirapan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply