Sin tax bill, lulumpo sa tobacco industry

tobaccoo

LULUMPUHIN lamang ng sin tax bill ang industriya ng tabako sa bansa.

Ito ang paniniwala  Chris Nelson, Presidente at CEO ng Philip Morris and Fortune Tobacco Corporation sa ginanap na Bright Leaf Agriculture Journalism Awards na taunang pinangangasiwaan ng naturang kumpanya.

Ayon  Nelson kung aaprubahan ang sin tax bill, ang kabuhayan ng mga tobacco farmers, mga pamilya nito at mga takatak boys ang pangunahing  maaapektuhan ng batas.

Magbubunsod din anya ito ng pagtindi ng smuggling, counterfeiting na magdudulot ng matinding epekto sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Nelson na bagamat wala silang magagawa kung nais ng mga mambabatas na maisabatas ang sin tax bill, sana , anya, ay tingnan munang mabuti ang mga bagay na makakaapekto sa mamamayan kung ito ay maipatutupad ng pamahalaan.

Aprubahan man o hindi, ipinagmalaki naman ni Nelson na ang kumpanya ay taunang nagbibigay ng milyon milyong kita sa pamahalaan bukod pa sa paglalaan ng hanapbuhay sa daan daang mga tauhan ng kumpanya na taunang lumalaki ang bilang.

Una rito,ikinatuwa naman ni Nelson ang pahayag ng Senado na inaprubahan nito na maibaba ang cigarette tax na epektibo sa 2017.

Aniya, malaking pakinabang ito hindi lamang sa kumpanya kundi laluna sa mga Pilipino na nakikinabang sa industriya ng tabako sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Nelson na wala siyang balak na ilipat ang kanilang negosyo sa ibayong dagat dahil malaki na anya ang kanilang pinuhunan sa Pilipinas na umaabot sa $300 milyon na dapat mapaunlad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply