Sin tax bill sinertipikahang ‘urgent’

sec-edwin-lacierda

IPINAHAYAG ng Malakanyang na sinertipikahan nang urgent ni Pangulong Benigno Aquino III ang bersyon ng sin tax bill ni Senate Committee on Ways and Means acting chairman Franklin Drilon.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, sa ilalim ng bersyon, aabot sa P40-P45 bilyon ang maidadagdag sa makokolektang buwis ng pamahalaan mula sa mga alak at sigarilyo.

Kumpiyansa naman ang isang senador na tuluyan nang makalulusot sa Senado ang sin tax bill o ang pagpapataw ng karagdagang buwis sa mga sigarilyo at alak.

Inihayag ni Senadora Pia Cayetano na bagama’t suportado niya ang bersyon ni Senadora Miriam Santiago sa target rate ng makokolektang buwis, tanggap na rin niya ang bersyong inihain ni Drilon.

Binuweltahan naman ng senadora ang mga kritiko ng panukala at sinabi nitong kailanman ay hindi naging pangangailangan ng tao ang bisyo na siyang nakasasama sa kalusugan ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply