Sindikato sa pyramiding scam, pinatutugis ni De Lima

leila de lima

PINAKILOS na ni Justice Secretary Leila de Lima ang Bureau of Immigration na imbestigahan kung naka-alis na sa bansa ang mga opisyal ng kumpanya na nasa likod ng P12 bilyong pyramiding scam.

Sinabi ni de Lima, nakumbinse na rin ng Department of Justice ang ilang investor ng kumpanyang Aman Futures Group Phils. Inc. na magsampa ng reklamo.

Iniimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation ang report na ilang lokal na opisyal ang nag-invest sa naturang kumpanya gamit ang kanilang internal revenue allotment fund.

Isang department order ang nakatakdang ipalabas ni de Lima hinggil sa pagbubuo ng panel of prosecutors na mag-iimbestiga sa double your money scam.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply