Sino si Ponzi?

inton

ANG sabi ni Gov. Tony Cerilles, lagpas sa kalahati ng populasyon ng Pagadian ang biktima ng Aman Futures, na sinasabing isa na namang Ponzi scheme.  Ang Ponzi scheme ang tawag sa isang “scam” o lokohan kung saan hinihikayat ang mga tao na mamuhunan sa isang proseso raw ng mabilis na pagpaparami ng pera.

Ang mga biktima ay kadalasang naloloko sa pangako na tutubo ang kanilang puhunan ng halos 50 o 80 porsyento sa mabilis na paraan. ‘Di hamak na mas malaki nga naman kaysa kung ilalagak sa banko o ipupuhunan sa negosyo na sila mismo ang magpapatakbo.

Tinawag na Ponzi scheme ito dahil sa isang Italyanong negosyante sa Boston, USA, na  “sumikat” noong 1920 dahil sa ganitong klase ng panloloko – si Charles Ponzi. Ang pangako ni Ponzi ay tutubo ang puhunan ng higit 50 porsyento sa loob lang ng 90 araw.

Marami siyang naloko noon bago nahuli at nakulong.

Nito lang taong 2008, niyanig ng isang katulad na scam ang financial community ng Amerika nang mabulgar ang Ponzi scheme ni Bernard Madoff. Higit 4 na libong investors at libo-libong dolyar na investments ang nabiktima ng Ponzi ni Madoff. Pero matagal na ang ganitong klase ng scam, may isang William Miller sa New York noong 1899 na nangako rin sa investors na may alam siyang paraan na ginagamit ng mayayaman para madaling kumita ng pera. Marami ring naloko si Miller noon.

Hindi na bago ang “modus” na ito pero bakit paulit-ulit na nangyayari at napakarami pa rin ang naloloko? May na-interview kamakailan sa DZMM na biktima ng Ponzi sa Pagadian. Ang sabi niya, nagdasal pa raw siya bago siya nag-invest. Ang perang inipon niya nang matagal na panahon para sa pag-aaral ng anak, naglahong parang bula.

Muli ang tanong, bakit? Ang siste kasi sa ganito, hindi masyadong maipaliwanag ang klase ng investment. Ang pinalalabas nu’ng mga pasimuno lang ang nakaaalam ng istilo ng investment basta napalalaki ang pera, kailangan lang magtiwala ang mga investor.

Siguro ang mga unang nag-invest ay papakitain muna, para magkalat ng kwento na epektibo at kumikita ito. Isang pang istilo ay ang mga kilalang tao na nae-engganyo na sumali rin kaya maraming mahihirap ang nakukumbinse. Ingat naman tayo mga kababayan.

Sa hirap ng pera ngayon, malamang na panloloko talaga ang mga kwento na mag-invest ka lang sa isang gimik ay yayaman ka na.  Maging matalino sa inyong pera at huwag pa-gago sa mga halang ang kaluluwa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply