Sixers pinayuko ang Raptors

sixers

PINAGANDA ng Philadelphia 76ers ang kanilang standings matapos nilang talunin ang Toronto Raptors, 106-98 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Kumadena ng tatlong sunod na panalo ang Sixers nang trangkuhan ni bench player Nick Young ang opensa na may itinalang 23 puntos, four assists at talong rebound.

Tumulong din si Jason Richardson ng 21 points at tatlong boards habang si Jrue Holiday ay nag-ambag ng 19 markers, 12 assists at walong rebounds upang ilista ang 7-4 win-loss slate ng Sixers kasama ang four game win sa kanilang home court.

Lagapak naman sa 3-8 karta ang Raptors.

Samantala, maglalaro pa rin bukas ang Sixers kontra Cleveland Cavaliers, ganun din ang Raptors na makakaharap ang Charlotte Bobcats.

Naka-iskedyul ding maglaro bukas ang defending champion Miami Heat laban sa Milwaukee Bucks.

Tangan ng Heat ang 8-3 panalo-talo baraha habang may 6-3 card naman ang Bucks.

Ang iba pang nakahilera sa laro ay ang last season’s runner up Oklahoma City Thunder na makakaharap ang Los Angeles Clippers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply