Siyam-siyam sa Comelec ID; bundok inuubos sa mining

ANIM na buwan bago ang 2013 Election, pero ang mga kandidato ay hindi na magkamayaw sa kaiikot sa kanilang lugar, lalo na ang lugar kung saan ay parehong malakas ang naglalaban-laban.

Sa Lungsod ng Maynila kung saan ay parehong malakas ang tumatakbong mayor ay nagsimula nang magsiraan at maglabasan ng kanilang mga baho at magbatuhan ng kung ano-anong isyu ng bawat isa sa kanila.

At dahil dito ay nasasabi tuloy ng ilang botante na hindi na lang sila boboto dahil pareho  namang may pansariling interes ang dalawa, sana nga lang daw ay mayroong pagpipilian maliban sa dalawa at ‘yun na lamang ang kanilang iboboto.

Sa Quezon City naman ay matunog ang ugong-ugong na walang kalaban itong si Mayor Herbert Bautista, kung kaya kampanteng kampante ito kung kaya hindi na nito makuha pang sumilip sa kanyang mga barangay.

Sa pagsasaliksik ng Lily’s Files  ay ating nalaman na apat pala silang nag-file ng COC at tatakbong  mayor ng Quezon City na bagama’t hindi kilala  ay masasabi  nating magagaling ding mga negosyante at  prominenteng tao rin .

Kilalanin natin ang tatlong makakalaban nitong si Mayor Herbert Bautista sa Quezon City na sina Johnny Chang, Romeo S. Acebedo at Henry Samonte na negosyante.

Sa tatlong  pangalan na aking nabanggit ay pinaka-credible na raw itong si Johnny Chang, na isa sa Board of Directors ng Quezon City Sports Club .

Sinasabing itong si Johnny Chang ang sumalo sa nasabing club noong ito ay malugi at halos magsara na noong taong 1998.

Ang nasabing club ay lalong lumaki kaysa dati at ito ay sa pamamagitan ng magandang pamamalakad nitong si Johnny Chang.

Kaya Mayor Bestik, huwag kang masyadong kampante kung ayaw mong maagaw sa iyo ang Quezon City, dahil kapag tinalo ka ng mga  hindi kilalang pangalan dito sa sinasabing pinakamayamang lungsod ay hindi lang ikaw ang nakahihiya kundi maging ang mga malalaking taong umaasa sa inyo.

Alalahanin mo, Mayor Herbert,  ang mga binitiwang salita ng mga  residenteng nakatira sa squatters area ng Quezon City na kahit sino ang iyong maging kalaban ay ‘yun ang iboboto nila, dahil kapag  ikaw pa rin ang mananalo ay  sigurado, pagkatapos ng election ay made-demolish din sila.

Masakit yun at  kapag nagka totoo ang mga sinabing ito ng mga maralita, sa dami ng squatter sa Quezon City ay posibleng may kalagyan ka.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Co-lumn natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@ya-hoo.com.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply