Siyam-siyam sa Comelec ID; bundok inuubos sa mining

BIBIGYANG daang muli  ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  mga text messages at  mga  nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar, ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text messages at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD morning po Lily’s Files, nais ko lang pong ireklamo ang Comelec sa Bocaue, Bulacan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang voter’s ID namin na 2004 pa kinuhanan.

Pinapabalik-balik lang po kami at laging sinasabi na ire-request, pero ilang buwan na kaming pabalik-balik wala pa rin, panay kuwentuhan lang sa loob. Palitan na ‘yang mga yan.

GOOD pm po, Ma’m  Lily. Ako po si Mar Buenavente ng Pasig City, masugid ninyong mambabasa ng Remate.

Ask ko lamang po sana  kung kailan ang simula ng kampanya ng mga senador. Maraming salamat.

GOOD pm po. I-report ko lang po itong nangyayaring pagmimina rito sa amin sa Aroroy, Masbate. Kasi po, wala na pong mga pu-nongkahoy at halos maubos na rin ang mga bundok dahil sa pagbubuldos nito ng mga equipment, lalo na rito sa Brgy. Paneque.

Kawawa po kaming mga residente rito pagdating ng araw kasi  po puwedeng lumubog po ito dahil wala na pong mga bundok.

Sana po matulungan n’yo kami rito kasi parang wala ng pag-asa na mahinto itong mining dito sa amin. Kawawa po kami.

Maraming salamat po, sana ay bigyang pansin naman kami kahit konti ng ating Pangulo.

SANA yung mga AUV express gang na nahuli ng mga taga-Pasay Police  na nanghold-up at nangmomolestiya sa mga pasahero nilang babae ay i-salvage na rin yang mga ‘yan at ‘yung mga kasama nilang babae ay ipagahasa sa mga preso pag gabi para madala yang mga demonyong yan.

Baka pag nakalabas pa yang mga ‘yan ay mas masahol na na-man ang gawin nila. I-salvage na ‘yang mga yan. Ramon ng Cebu City.

WALA bang dagdag sahod sa mga security guard? Lagi na lang sa  mga empleyado ng gobyerno.

Botante rin naman kami, ah, at  nagbabayad din naman kami ng tax.

Ano ba ang dapat naming gawin, mag rebelde na lang?

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply