Sketches ng rapist ni Rodelas, inilabas na

crime

INILABAS na kaninang umaga ng Quezon City Police District (QCPD) ang sketches ng dalawa pang suspek sa pagpatay sa model at TV talent Julie Ann Rodelas na nanggahasa at bumaril sa dalaga noong Nobyembre 6 sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa QCPD, ang nasabing sketches ay base sa pagsasalarawan ng suspek na naging star witness na si Jaymar Waradji.

Sinabi ni QCPD head Chief Superintendent Mario dela Vega na si Waradji, ang kanilang saksi para madiin ang sinasabing mastermind na si Althea Altamirano.

Hinahanting pa rin ang dalawa pang natitirang  na sina  Efren Talib, na in inilarawan na 20-25 anyos, medium-built, fair-complexioned, at 5’5″ hanggang 5’6″ ang taas.

Inilarawan naman ang isa pang suspek na nakilala lamang sa pangalang  Aldos, na 27, brown-complexioned, medium-built, at 5’7″.

Ang dalawa ay hinahanting na ng binuong police tracker teams para papanagutin din sa krimen. Ang dalawa ang magiging susi para lalong madiin si Almirano.

Naniniwala naman si Dela Vega na mahuhuli ng mga police tracker teams ang mga suspect sa loob lamang ng maikling araw.

Ineksamin na rin ng QCPD ang Mitsubishi Montero (TWO-505) para sa karagdagang forensic evidence tulad ng buhok o dugod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply