Smart, Globe, Sun, binalaan ni Revilla sa refund

BINALAAN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang mga kompanya ng telekomunikasyon tulad ng Smart, Globe at Sun Cellular na kaagad bayaran ang refund sa overcharging ng halaga ng text message kung ayaw maharap sa pagsusuri ng Senado.

“The proper government regulator has already issued its order and they should comply. If they don’t, I, as chairman of Senate Committee on Public Services, will initiate a review of the Telcos’ franchises as this may be a ground for their revocation,” ayon kay Revilla.

Sinabi ni Revillla na hindi na dapat hintayin ng dambuhalang kompanya ng telekomunikasyon na magkaroon ng pag-aalburoto ng subscriber bago sila kumilos na maaaring sumiklab sakaling mabigo silang ibalik ang bayarin.

“Rather than dillydallying, the Telcos must oblige to the refund directive of the NTC as soon as possible if they do not want to lose their customers. The government had already spoken.  Considering the financial difficulties nowadays, cellphone subscribers whether post-payers o pre-payers are eagerly waiting to receive the refund,” aniya.

Idinagdag pa ng senador na isang mahusay na regalo ng telcos ang pagbababalik ng sobrang singil sa panahon ng Kapaskuhan kaya nararapat lamang na madaliin at mahusay na maibalik ang sobrang singil.

“Magandang pamasko ito sa publiko. Ang mga ganitong positibong bagay ang dapat natatanggap nila at dapat pagtuonan ng pansin ng pamahalaan, hindi mga panukalang gaya ng text tax na magdaragdag pa ng panibagong pasanin sa kanila,” ayon kay Revilla.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply