Smartmatic hugas-kamay sa issue ng failure of election

comelec-3

HUGAS-KAMAY ang Smartmatic ukol sa isyu ng “failure of election” sakaling magkaroon ng mga kapalpakan ang kagamitan para darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Smartmatic Asia Pacific President Cesar Flores, kuwestiyunable ang kompanyang naatasang magsagawa ng ballot printing kaya’t hindi umano nila matitiyak na magkaroon ng kaparehong resulta gaya noong 2010 automated election.

Sinabi ni Flores na ayaw nilang husgahan ang kawalan nang aksyon ng Commission on Elections sa kanilang kahilingan na magkaroon ng re-bidding para sa ballot printing.

Maaari kasi aniyang malaki ang tiwala ng Comelec sa National Printing Office (NPO) na siyang naatasang mamahala sa ballot printing.

Kaugnay nito, hinamon ng iba’t ibang grupo ang Smartmatic na ayusin na at seryosohin ang paghawak sa 2013 elections.

Sinabi ng mga grupo sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Forum na hindi na dapat maulit pa ang nangyaring¬† kapalpakan sa Smartmatic noong 2010 elections.

Umaasa ang mga grupo na magagawan ng paraan ng Smartmatic ang problema upang maging maayos ang darating na midterm elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply