Sobrang mga in-love kaya talbog na ang mga makata!

john-lloyd

ABSENT man ang simpatikong si John Lloyd Cruz sa naganap ng presscon ng 24/7 In Love, siya pa rin ang trending topic nu’ng gabing ‘yun dahil ever present naman ang dyowa niyang si Angelica Panganiban. Labing-limang hottest stars ng Star Magic ang kabilang sa cast at take note, walang starlet sa cast.

Lahat may name at talagang exciting panoorin kasi nakatutuwa ang mga kwentong inilatag nu’ng presscon ayon na rin sa kwento ng mga direktor na sina  Mae Cruz at Frasco Mortiz na naroon that night. Pitong episodes ang mapanonood rito at iba’t ibang kuwento ng pag-ibig at katatawanan ang hatid nito.

Dahil wala si Lloydie, siyempre, tinanong si Angelica Panganiban kung nasaan ang leading man cum boyfriend niya? “nasa taping  po siya ng Beautiful Affair,” matipid na sagot pa ng aktres.

Sa Vietnam kinunan ang halos lahat ng mga eksena nina Lloydie at Angelica at ang chika pa eh, sa bansang ito nga raw nabuo ang espesyal na pagtitinginan nila.
So, sa Vietnam nga ba nabuo ang lahat?

“Wala namang nabuo eh!” sabi pa ng aktres sabay nagtawanan ang mga naroon dahil knows nila ang biro ni Angel.  Nu’ng tanungin ang mga girls sa cast kung ano ang feeling ‘pag 24/7 In Love sila?
Say ni Angel, “Parang laging may bagong umaga!”

Ganoooooonnn??!!!

***
ISANG bading naman si Zanjoe Marudo na dyowa ni Bea Alonzo sa pelikulang 24/7 In Love.

Asiwa mang tingnan si Zanjoe kumilos ng bading sa trailer ng pelikula, sinabi nitong nag-enjoy naman daw siya kahit first time niyang gumanap na gay.

“Nu’ng una, nailang ako, pero nu’ng bandang huli, nag-enjoy na rin ako. Nakapag-adjust na rin ako, natuto na rin ako (kumilos), marami naman bading kasi sa set, eh.”

Si Bea naman ay larawan ng ever loving girlfriend na talagang supportive raw kay Zanjoe lalo na sa pagganap ni -to bilang bading. Kitang-kita rin ang sweetness ng dalawa. Kahit sa simpleng pagtabi lang nila, alam mong ma- tibay na ang relasyon nila.

Sa tanong kung ano ang experience niya sa pagiging in love kay Zanjoe? Say ni Bea, “Laging makulay ang buhay!”

Ang taray naman pala, eh.

Cute rin ang dating ng mga chikiting na sina Xyriel Manabat at Zaijan Jaranilla, kasama sila sa episode with Piolo Pascual.

Take note, si Piolo ang love interest ni Xyriel sa episode nila pero si Zaijan ang may crush kay Xyriel dito. Ang cute, di ba?

Nu’ng pinag-uusapan ang tungkol sa pag-ibig, biglang may nagtanong kay Zaijan kung ano ang komento niya about love? “Hindi ko po alam, wala pa po akong experience eh!” pa-cute nasabi ng binatilyo sabay laugh ang mga na- roon.

Kaaliw talaga ang mga bagets! Ha, ha, ha!

***

MUKHANG hindi lang si Sir Chief (Richard Yap) ang napalalapit kay Maya (Jodi Sta. Maria) sa Be Careful With My Heart kundi pati na ang mga anak ng among sina Luke at Nikki na supladita at maarte ay unti-unti nang nakakasundo ni Yaya Maya.

Ngayong peaceful at loving na ang kapaligiran sa tahanan ni Sir Chief, gaano naman kaya kahanda si Maya na iwanan ang lahat sakaling dumating na ang panahon na makatapos na siya ng pag-aaral.

Ang  tanong, ituloy pa kaya ni Maya ang ambisyon niyang maging flight stewardess? Isa pang nakakalurky, sa tagal na ni Yaya Maya rito sa Maynila bilang yayani Abby, eh, di pa rin knows sa kanila na nasa Maynila siya at wala sa Dubai?

Alam rin ni Sir Chief na may mga nagkaka-crush kay Maya. Buksan kaya ng dakilang yaya ang puso niya sa iba kahit si Sir Chef na ang espesyal sa kanya?

Well, abangan ang mga kilig na tagpo sa Be Careful With My Heart, sa bago nitong oras, 11:45am na bago mag-It’s Showtime!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply