Sobrang singil sa SSS members, ibabalik ng ahensya

TINIYAK ng Social Security System (SSS) na kanilang ibabalik ang mga sobrang nasingil sa mga pautang sa kanilang miyembro.

Nabatid sa panayam kay Marissu “Suie” Bugante, Vice President for Public Affairs ng SSS, na may maling sistema ng paniningil sa interes ng mga pautang ng ahensiya at handing ibalik ito sa pamamagitan ng refund o pagbabawas ng interes sa kasalukuyang loan ng miyembro.

Ayon kay Bugante, sa mga nais mag–apply ng salary loan, ina-advance ang deduction sa unang taon ang interest.

Nabatid na 10% ang interest at sa ngayon ang komento ng Commission on Audit, dapat base sa  diminishing return dahil ang nasabing 10 porsiyento ay sa kabuuang halaga.

Anila, may solusyon na dito kung saan pinabibilis na ito dahil inaprubahan na ng ahensiya para  itama ang sitwasyon.

Kaugnay nito, napag-alaman sa SSS na gumagawa sila ng maayos na paraan para maibalik ang sobrang singil at idedeklara ito sa publiko.

Unang iniulat ng Commission on Audit (COA) nasa P788 milyon ang sobrang nasingil ng SSS sa kanilang mga miyembro.

Napag-alaman sa report ng COA, nabigo ang SSS na gamitin ang bagong kwenta sa interes ng mga loan simula 2010 kaya nagkaroon ng overcharging.

Lumalabas na umabot sa P43 bilyon ang naibigay na membership loan ng SSS mula  2011, kung saan somobra sa  P11 bilyon sa 10-porsyentong limit sa investment return fund.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply