Social worker pinatay ng bayaw sa Sampaloc

PATAY  ang 46-anyos na empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos saksakin ng kanyang bayaw habang nagi-internet  kaninang umaga sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang dead on arrival  sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Emerson Deri, social worker sa DSWD-NCR, residente ng 3434 West Vigan St. Sampaloc, Maynila.

Tinutugis naman ang suspek na si Rolando Echano, 48, bayaw ng biktima at taga-3396 -B West Vigan St. Sampaloc, Maynila.

Sa report ni PO3 Richard Limuco, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa bahay ng biktima.

Nabatid na nag-iinternet ang biktima nang umakyat sa kanilang bahay ang suspek na armado ng kutsilyo.

Nang makita ang biktima ay nilapitan at bigla na lamang inararo ng saksak sa dibdib ang biktima.

Sinabi naman ni Rose Deri, asawa ng biktima na wala siyang alam na dahilan kung bakit pinagsasaksak ng kanyang kapatid ang kanyang mister.

“Siguro may dati ng alitan yan, ayaw lang magsalita sa ngayon yong asawa ng biktima dahil kapatid niya iyong suspek”, ayon kay Limuco.

Patuloy naman sa isinasagawang follow-up operation ang pulisya para maaresto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply