SoKor rocket launch inilipat sa Nobyembre 15

SA NOBYEMBRE 15, itinakdang muli ang pagpapalipad ng South Korean rocket para madala ang kanilang satelite sa kalawakan, ayon sa ulat kaninang umaga (Nobyembre 10) ng Philippine disaster management authorities.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council head Benito Ramos na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs at National Defense na ang pagpapalipad ay inilipat sa Nob. 15.

Dahil dito, ipinagbabawalang paglayag sa karagatan at wala rin pagpapalipad ng mga sasakyan na panghimpapawid sa nasabing petsa, ayon pa kay Ramos.

Gayunman, sinabi ni Ramos na hihintayin pa rin nila ang mga detalye sa planong pagpapalipd sa Nobyembre 15 para ianunsyo ang ban sa fishing, flying at sailing.

Sakop ng ban ang parehong mga lugar na ipina-ban ng NDRRMC nitong nakaraang Oktubre 26, na siyang orihinal na petsa ng pagpapalipad ng sattelite.

Nitong nakaraang Oktubre 26, nagkasa ang South Korea ng last-minute decision na ipagpaliban ang kanilang rocket launching sanhi ng fuel leak.

Sinabi rin ni Ramos na nakatanggap ang NDRRMC ng impormasyon mula sa DND at DFA na ang pagpapalipad ay gaganapin nitong nakaraang Nobyembre 9.

Pero ipinagpaliban pa ulit ito sanhi ng technical problems at inilipat ang pagpapalipad sa November 15.

Sinabi ni Ramos na sakop ng ban ay ang Camarines Norte; Camarines Sur; Catanduanes; Albay; Sorsogon; Northern, Western and Eastern Samar; Southern Leyte; Siargao; Caraga; Surigao del Norte at Surigao del Sur.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply