Solons iba-iba ang pananaw sa live coverage ng Ampatuan massacre trial

MAGKAKASALUNGAT ang opinyon ng mga kongresista kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na ipagbawal ang live coverage sa paglilitis ng Maguindanao massacre case.

Malaki ang paniwala ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., chairman ng House Committee on Justice na walang lalabagin kung magkakaroon man ng live coverage.

Nangangamba si Tupas na magkaroon ng cover-up sa paglilitis dahil posibleng idaan sa teknikalidad ng mga akusado ang paglilitis dahil hindi naman ito nakikita ng media.

Kinukwestiyon din ni Tupas ang pabago-bagong desisyon ng SC gayong sa simula pa lamang ay pinaboran na ang live coverage.

Subalit taliwas naman dito ang reaksyon ni House Majortity Leader Neptali Gonzales II dahil sinang-ayunan nito ang desisyon ng SC.

Dahil kung pagbibigyan aniya ang live coverage ay posibleng mawalan ang taumbayan ng kumpiyansa sa justice system sa bansa.

Aminado si Gonzales na hindi ganoon katatag ang kanyang kumpiyansa sa sistema ng hustisya sa bansa at pinangangambahan niya ang proseso na aniya’y kung magiging lantad sa publiko ay posibleng pagdudahan.

Hindi aniya katulad sa Amerika na kapag sinimulan na ang paglilitis ay tuluy-tuloy na ito at siguradong may patutunguhan kapag nasimulan na.

Sang-ayon din sa pananaw ni Gonzales sina Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones dahil habang hindi pa aniya nahahatulan ay naroon pa rin ang “presumption of innocence” sa mga akusado.

Ipinaliwanag ni Palmones na makabubuti ng hindi magkaroon ng live coverage upang maiwasan ang prejudgement sa kabuuan ng paglilitis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply