Some things should be kept private!

andi-eigenmann

EKSKLUSIBONG nakunan ng nanalong Best Celebrity/Showbiz-Oriented Program sa katatapos na Star Awards for TV na The Buzz ang first birthday and dedication ng anak ni Andi Eigenmann na si Baby Elie last Sunday. After ng party, nasolo ng The Buzz host na si Boy Abunda si Andi for an explosive interview. Doon ‘di napigil ni Andi ang muling humagulgol sa interbyu.

Tama lang ang ginawa ni Andi na ‘di na siya nagbigay ng reaction sa mga sinabi ng ex-BF niya na si Jake Ejercito. Mukhang nagkaayos na rin naman sila ni Jake and it’s better to keep it private. Malay natin baka may mabuksang muli para kina Andi at Jake balang araw. It’s a good sign nga ‘yung pagpunta ng sister ni Jake na si Jerika kasama ang pamangkin na si Jolo Ejercito sa party ni Baby Elie.

This time, we think Andi should follow her father’s advise, na si Mark Gil, that she should keep private ‘yung mga bagay na dapat ay pribado lang talaga. Sobra kasing naging open si Andi about her life, especially her lovelife, huh?

And tama rin siya na tigilan muna ang pakikipag-bf at mag-focus sa kanyang anak at career. After all, bata pa naman si Andi at marami pa’ng opportunities ang darating sa kanya. Hopefully, next year makuha na niya ang kanyang dream condo unit sa The Fort.

-ooOoo-

BILING-BILI pa rin ng audience ang mga kalokohan ng dynamic partners na sina Jose Manalo at Wally Bayola. Kaya heto ulit sila, mangingiliti at magpapasakit ng panga’t tiyan sa bago nilang handog sa big screen, ang D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!?” showing on Nov. 28.

Sa totoo lang, ang tambalan nina Jose at Wally ang pinakasikat na tandem ngayon sa pagpapatawa. Kaya naman ipinagkatiwala sa kanila ng APT Entertainment at M-ZET TV Production, Inc. ang prinodyus na pre-Christmas treat sa mga tao.

Nakadarama man ng pressure sa bagong movie, natutuwa naman ang dalawang kalog sa suporta ng publiko sa kanila sa TV, palabas sa comedy bars at iba pa’ng proyektong ginagawa.

“Natutuwa rin kami dahil pinapasok ng mga tao ang local movies. Dati rati ‘yung entries sa Metro Manila Film Festival lang ang gustong panoorin ng publiko. Pero sa kaganapanang mangyayari sa local movie industry, positibo ang pananaw naming kakagatin muli ng tao ang bago naming movie,” lahad ni Jose.

Sabi naman ni Wally, “Masarap ang feeling na suportado kami ng dalawang malaking produksyon gaya ng APT at M-Zet. So, kami, sinusuklian namjn ang tiwalanng ito na kung ano ang gustong ipagawa sa amin sa movie, aba, go lang nang go!”

Kasama rin sina Gina Pareno, Jimmy Santos, Tirso Cruz III, Paolo Ballesteros, Pokwang, Solenn Heusaff at mara- mi pa. Mamaya (Nob 27) na ang premiere night sa SM Mega Mall Cinema 9.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply