Sotto kinasuhan na sa pangongopya ng speech

PORMAL nang sinampahan ng ethics complaint si Senate Majority Leader Vicente Sotto III dahil sa pangongopya ng speech hinggil sa kontrobersiyal na Reproductive Health bill na itinuturing na paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

Sa 22 pahinang ethics complaint na isinampa sa Senate committee on ethics and privileges na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano, sinabi ng grupo sa pamumuno ni Dr. Sylvia Estrada-Claudio ng UP Center for Women, na lantaran ang paglabag ni Sotto sa Section 193 ng RA 8293 of Intellectual Property Code.

“It is respectfully prayed that respondent Sotto be found guilty of violating Section 193 of RA 8293 and of “improper conduct which reflects upon the Senate” as provided for under Rule 2, Section 15 of the Rules of Senate committee on Ethics and Privileges, and that the appropriate disciplinary action be imposed upon him consistent with Rule 4, Section 27 of the same Rules,” ayon sa grupo.

Alinsunod sa naturang batas, tuwirang binibigyan ng proteksiyon ng batas ang lahat ng sipi ng libro, pamplets, artikulo o anumang panulat na dapat umanong igalang ni Sotto.

Tinukoy sa reklamo na lantaran ang pangongopya ni Sotto sa mga panulat nina  American blogger Sarah Pope, Marlon C. Ramirez for the Talking Sense blog, Peter Engelman writing for Margaret Sanger Papers Project, briefing paper of International Research Group/Catholic Family and Human Rights Institute; at US Senator Robert F. Kennedy of 1966 Day of Affirmation speech.

“Sotto refused to acknowledge that he copied portions of his speech from these authors without giving them the appropriate attributions,” ayon sa reklamo.

Sinabi ng mga complainant na wala pang ibinibigay na pagkilala si Sotto sa siyam na pangyayari nang kopyahin ang artikulo o panulat ng mga nabanggit na awtor sa mga ilang pariralang ginamit sa kanyang turno en contra speech.

“To this date, respondent Sotto has not owned up to the nine (9) instances of copying without attributions included in the three parts of his en contra speech delivered on August 13 and 15, and September 5, 2012,” ayon sa reklamo.

“Neither has he, since then, given proper attribution to any of these authors from whom these works were copied,” dagdag pa ng nagreklamo.

Kinontra rin ng grupo ang paniniwala ni Sotto na hindi krimen sa Pilipinas ang pangongopya o plagiarism kaya hindi siya dapat magpaliwanag o humingi ng paumanhin sa tunay na awtor ng kinopyang panulat.

Sinabi ng grupo na dapat papanagutin si Sotto sa kanyang pagsuway sa nilalaman ng naturang batas at opinion ng Korte Suprema na dapat iginagalang ng isang mambabatas.

“This continued recalcitrance on the part of respondent Sotto, added to his wilful and deliberate failure to respect moral rights of the original authors to attribution, are indicative of conduct which is improper for a Senator of the Republic of the Philippines, from whom fairness, forthrightness, and honesty are expected in all their dealings,” patapos ng nagreklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply