Sotto nag-sorry na sa pamilya Kennedy

HUMINGI na ng paumanhin si Senator Vicente “Tito” Sotto III sa pamilya ni yumaong U.S. Senator Robert F. Kennedy.

Ang sorry ni Sotto ay kanyang ginawa sa kanyang speech sa Senado.

Ani Senator Sotto, “Copying, imitation, is the highest form of flattery. If it upsets the Kennedy family, then I am sorry, but then that’s not my intention.”

Matatandaan na noong Nobyembre 9 ay naglabas ng official statement ang anak ni yumaong U.S. Senator Kennedy na si Kerry Kennedy.

Dito’y direktang pinaratangan ni Kerry ang senador na nag-plagiarize ng bahagi ng “Day of Affirmation Speech” ng kanyang ama.

Noong una ay matigas ang paninindigan ng senador na hindi siya magbibigay ng public apology sa pamilya ni Senator Kennedy.

“Ha? For what? Hangga’t walang official [copy of complaint], don’t say a word. Because ano ang re-react-an mo? E, baka imbento lang iyan ng mga aficionado doon, ng mga professional manipulator sa Internet.”

Ngunit makalipas ang isang araw ay biglang nagbago ang isip ng senador at nagbigay humingi na ng paumanhin.

Bago man ang reklamo ni Kerry Kennedy, may plagiarism complaints na ring kinakaharap si Sotto.

Inihain ito ng tatlong U.S.-based bloggers na sina Peter C. Engelman, Janice Formichella, at Sarah Couture Pope.

Ito ay kaugnay ng pagkopya ng senador ng ilang bahagi ng kanilang blogs, at ginamit sa kanyang speech na walang nabanggit na attribution.

Ang mga isyung ito ay nag-ugat sa kanyang mga privilege speech sa Senado, makaraang tutulan ang pagsasabatas ng RH Bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply