Special child patay sa sunog sa San Juan

crimedeath

ISANG 16-anyos na special child na lalaki ang nasawi makaraang masunog ang kanilang bahay sa San Juan City, Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat sa radyo kaninang umaga, naganap ang sunog bandang alas-6:00 ng gabi na umabot sa unang alarma at naapula bandang alas-7:00 ng gabi.

Nabatid na naiwang mag-isa sa loob ng bahay ang binatilyo kung saan ang kanyang mga kapatid ay umalis upang piyansahan ang kanilang tatay na naaresto ng mga pulis.

Ayon pa sa report, tinatayang P400,000 halaga ng ari-arian ang nasira sa sunog habang 100 residente naman ang naapektuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply