Speed boat sumalpok sa poste; 4 sugatan

NAGTAMO ng mga sugat sa katawan ang tatlong Chinese national at isang miyembro ng Philippine marine makaraang  bumangga ang kanilang sinasakyang speed boat sa isang poste ng tulay sa bayan ng Appari, Cagayan.

Nakilala ang sugatang miyembro ng Philippine Marine na si Cpl. Richard Portugal habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong Chinese.

Nabatid na patungo sana sa public market ng bayan ng Apari ang speed boat ngunit sa hindi pa batid na kadahilanan ay biglang sumalpok ito sa poste ng tulay.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang isang Chinese national na siyang driver ng speed boat kung kaya bumangga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply