Spurs binitbit ni Parker

tony-parker

DALAWANG extra period ang kinailangan ng San Antonio Spurs upang buwagin ang makulit na Toronto Raptors, 111-106 sa nagaganap na 2012-13 NationaL Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Sinandalan ng Spurs sa double overtime si point guard Tony Parker ng magtala ito ng 32 puntos, anim na rebounds at limang assists upang ilista ng 11-3 panalo-talo karta ng San Antonio.

Bumack-up naman si Spurs star player Tim Duncan ng 26 points, limang boards at anim na assists habang si sixth man Manu Ginobili ay nagdagdag ng 15 markers, seven rebounds at five assists.

”He’s our closer and he has been that way for the last couple of years,” pagmamalaki ni Duncan. ”He steps up and makes big shots for us. That’s what we ask him to do and he’s delivered for us.”

Umiskor si Parker ng anim sa second OT kasama ang back-to-back baskets may 1:15 minuto na lang sa oras.

”We had to work hard for this one,” wika ni Parker.

Tatlo sa starting five ng Raptors ang naka-abot ng 20 puntos.

Tumirada si DeMar DeRozan ng 29 pts., may 23 points naman si Raptors rookie Jonas Valanciunas at si Kyle Lowry ay nag-ambag ng scored 20 markers.

Samantala, nagwagi din sa overtime ang Boston Celtics kontra Orlando Magic, 116-110.

Ang ibang NBA teams na nagsipanalo kaninang umaga ay ang New York Knicks na ginapi ang Detroit Pistons, 121-100 at Brooklyn Nets na pinayuko ang Portland Trail Blazers, 98-85.

Nanalo rin ang Philadelphia 76ers at Denver Nuggets.

Dikit lang na tinalo ng Sixers ang Phoenix Suns, 104-101 habang tinambakan ng Nuggets ang New Orleans Hornets, 102-84.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply